Anong masarap gawin tuwing umuulan?

Nagsimula na namang magdalamhati ang langit, umiiyak ng malakas ang mga ulap. Kapag panahon na ng tagulan uso na naman ang ibat ibang uri sakit, ang lugar na binabaha, at ang mga damit panlamig.

Pero ano nga ba ang masarap gawin sa tuwing panahon na ng tagulan?

Ang sarap sigurong humiga na lang sa kama buong araw at magbalot sa ilalim ng makapal na kumot.

Pwede ring umupo sa tabi ng bintanang bubog, magpatugtog ng malungkot na kanta, humigop ng mainit na kape at magsenti o mag muni muni

Masarap din sigurong humigop ng mainit na sabaw, bulalo, sopas, mami, noodles, pwede ding lugaw.

O kaya humiga sa iisang kama katabi at kayakap ang mga importanteng tao sayo, mas marami mas maganda

Meron din namang sumasabay sa agos ng ulan. Trip maligo habang malakas ang buhos ng ulan. Naghahabulan na parang mga bata kahit maputik at madulas ang daan.

Yung iba naman nagpupunta sa Gym o gumagawa ng paraan para magpapawis. Para nga naman maibsan ang lamig.

Ang sarap din sigurong manuod ng t.v. habang may hot chocolate at doughnut na snack habang nakatutok sa paboritong palabas.

Pero para sa katulad kong mahilig magsulat, masarap hurap ngayon sa papel at humawak ng ballpen.

Kung maraming natutuwa sa panahong tagulan. Meron din naman syempreng may mga ayaw gaya na lang, mga nanay na hindi natutuyo ang nilabhang damit. Mga tao na madalas binabaha ang lugar tuwing umuulan. Mga empleyado at estudyanteng inaabot nang ulan sa daan.

Gusto mo man o ayaw ang tagulan, wala tayong magagawa. Isa ito sa mga bagay na hindi natin kontrolado, kaya ang tanging magagawa na lang natin ay magenjoy. Sabayan ang agos ng ulan. Gawin itong way para mas magkaroon ng oras sa pamilya o sa mga taong importante sayo.

Para sayo, ano nga ba ang masarap gawin sa tuwing tag-ulan?

2 thoughts on “Anong masarap gawin tuwing umuulan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s