Masakit na Sampal ni Reyalidad

Meron ba sa inyong hindi pa nakakakilala kay reality?? O realidad kung tawagin ng iba? Pano mo sya nakilala? Swerte mo naman kung naging maganda ang una nyong pagkikita kasi ako hindi. Hindi naging maganda ang una nyang pagtrato sakin. Ipinamuka nya agad sakin kung ano lang ako, at kng hanggang saan lang ang kakayahan ko.

Oo ganon agad ang unang salubong nya sakin. Ang lupit diba? O baka naging madali lang talaga ang tingin ko sa lahat ng bagay kaya hagupit agad ang naramdaman ko. Inakala kong ang buhay ay INSTANT. Gaya ng mga pagkaing nauuso ngayon. Mali pala ang pananaw ko kaya napangaralan agad ako ni realidad.

Unang araw palang ng pagalis ko sa bayan kung saan ako lumaki at kung saan ako nagtapos. Itinatak ko na sa isip ko na hindi ako babalik nang wala, nang hindi made, nang hindi tinitingala. Ganon agad ang naging mindset ko. Naglagay ako ng napakataas na expectation sa sarili ko. Ayaw ko lang umuwi o bumalik sa sarili ko kung paano ako umalis. Akala ko sasangayunan ako ni realidad. Akala ko papayag sya sa lahat ng plano ko.

Pero gaya ng sinabi ko “Akala ko lang”. Ilang rejections, ilang failures ang natamo ko. Hindi nasunod ang plano, bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Ilang tanong ang nasagot, pero ganon pala yun ano? Kapag may mga tanong na nasasagot saka pala mas dumadami yung tanong, yung doubt at pagbaba ng selfsteem.

Ang sama ni reyalidada hinayaan nya akong umiyak gabi gabi. Pilit nyang ipinaparamdam sakin na wala akong karamay, na hindi pala ako mahalaga. Mahina pala ako at isang malaking tanga para maglagay ng expectation sa sarili ko na hindi ko kayang abutin. Sarili ko lang pala ang sinaktan ko. Hindi ako mahalaga kaya walang may pakealam kung magfailed ako o magsucceed ako. Nadiskubre ko din na habang tumatanda pala mas bumibigat ang responsibilidad? Hindi lang para sa sarili kundi para sa ibang tao.Lumalaki ang responsibilidad kasabay nang paglaki ng mundong ginagalawan ko. Paglaki ng espasyo mula sa mga taong nalalapitan nuon. Unti unti nyang ipaparamdam sayo na nasa maling daang tinatahak ka, na kahit pilitin mong tumayo at bumangon. Pipilayan at pipilayan ka ng mga hamon. Sasaktan ka at papagurin hanggang umabot ka sa puntong kelangan mo ng magdesisyon
” Tatanggapin ko bang talo na ako? Uuwi na ba ako mula sa lugar kung saan ako lumaki, lugar kung tawagin ay COMFORT ZONE, o baka pwedeng magpahinga na ako. Pahingang hindi lang pangemosyon kundi pang pisikal din. Pahingang panghabangbuhay, yung wala na si reyalidad at sisimulang buuin ang imahinasyon.

Huminto ako panadalian at pumikit. Dinamdam ang ingay ng paligid. May naririnig akong bulong sa isip ko “Kinaya mo ang laban, panalo ka hindi man sa mga plano mo kundi sa plano sayo ni reyalidad. Magpatuloy ka at sumunod sa agos ng buhay. Wag mo na ulit hayaang tangayin ka ng expectation mo, mabuhay ka ng malaya”. At doon ko napagisip isip ang lahat, bumalik mula sa unang araw kong makilala si reyalidad.

Unti unting nagbago ang pagtingin sa lahat ng bagay. Mas ninamnam ang tunay na mundo sa labas ng lugar kung saan ako nagmula. Hindi pala masama si reyalidad. Tuturuan ka pala nyang maging higit pa sa sarili mo. Hahayaan ka nyang umiyak at masaktan ng paulit ulit para mas maging matapang. Ipararamdam nya sayo ang paulit ulit na pagkatalo para paulit ulit ka ding lumaban. Ipapakita nya sayo ang mundo kung saan mas mahuhubog mo ang sarili mo. Tuturuan ka nyang maghintay ng tamang panahon dahil hindi lahat ay nakukuha sa madalian. Pahihirapan ka nya para makuha mo ang isang bagay ng pinaghapan. Ang dami ko palang dapat ipagpasalamat kay reyalidad. Hindi ko lang nakikita yoon dahil sa pagiging makasarili ko.

Ngayong ikaw na makakabasa nito tatanungin kita nakilala mo naba si Reyalidad??

At kung hindi pa, Handa ka na bang makilala sya?

Leave a comment