Check it out
Check it out
Somewhere over the blossom
I wonder why I kept looking at this
How it falls into ground and play with an air
I wonder why I kept loving you
How I easily fall in your words and you used to play with my feelings
Tulaan sa Buwan ng Wika: Malayang Emosyon
Sa bawat araw na lumilipas
Sa mga sandaling napipiglas
Mga oras na winawaldas
Gaano mo ito napahalagahan?
Mahalaga nga ba ang pinaggamitan?
Kelan ka ba naging tunay na masaya?
Totoo ba yang mga ngiti sa labi mo?
Nakangiti ka pero bakit parang hindi totoo
Pati sariling emosyon pinepeke mo
May sasabihin sana ako
Pakinggan itong ilang payo
Sa bawat pagikot ng mundo
Sa araw araw na buhay ka
Malaya ka ba talaga ?
Sa mga emosyong ipinakita mo alin diyan ang totoo?
Maikli lang buhay
Tumawa ka kung masaya
Umiyak kung nasasaktan na
Magulat kung nabigla ka
Magalit kung suklam sa iba
Magpahinga at magliwaliw ng may kasama
Sandali lang isang segundo
Walang naibabalik na oras
Kaya kung pati sarili ay lilinlangin
Emosyon ay patuloy na pipigilin
Walang masamang iyan ay ipadama
Magmahal ka kung nagmamahal talaga
Ikaw ang pinakamagandang katotohanan
Yang emosyong walang pagaalinlangan
Ito ang tunay na mundo
Kung saan mas masarap maging tao
Pag malayang emosyon ipinairal mo
Tulaan sa Buwan ng Wika: Para sayo na hindi laging napipili?
Malalim na paghinga, masakit sa dibdib
Luhang gustong kumawala, mabigat sa mata
Mapait na ngiti, tuwang di pa kayang ibalik
Ilang beses pa bang mararamdaman?
Ilang beses pang masasaktan?
Akala ko ako na eh, ang sakit dahil akala lang pala
Lagi naman!! Lahat naman ng tamang akala
Nauuwi lang sa maling hinala
Ilang beses na bang naranasan to?
Ilang beses pa bang mararamdaman pa?
Parang walang natututunan, para kang bago ng bago
Nauulit lang naman ang nangyayari
Ikaw naman lagi ang talo ng talo
Kelan kaba pinili ? Kelan ka ba pipiliin?
Darating ba yung panahong ako lang at walang ibang pagpipilian?
Yung oras na ang sarili ay di na kailangan pang ipagpilitan?
Hindi kasi masarap sa pakiramdam yung pauulit ulit na umasa
Akala mo may pagasa pero ayan kana naman sa Akala
Kasasabi mo lang na ang akala ay nauuwi lang sa wala
Akala mo mahal ka, pagpipilian ka lang pala
Akala mo kasi kamahal mahal sya
Di mo manlang inakalang may mahal na syang iba
Sa huli ayun ikaw na namang magisa
Akala mo dahil malambing sayo ikaw na
Ginawa mong mundo paiikutin ka lang pala
Bakit nga ba hindi tayo madalas napipili?
Dahil ba sa pisikal na kaanyuan?
O dahil sadyang may taglay lang syang kahayupan
Hindi man perpekto pero meron namang angking talino
Di mo yun makita kasi sa iba ka nakatingin
Habang ako kinikilig sayo, ikaw naman kinikilig sa kanya
Ang sakit lang isipin na umasa ka na namang ikaw ang pipiliin
Ikaw naman ang saangayunan ng tadhana
Pero hindi, hindi madali at hindi na rin masaya
Hindi mo alam kung sinong sisisihin
Hindi naman kasi talaga sya nagloko
Bakit may ipinangako ba sya sayo?
Ikaw lang ang gumagawa ng kwento
Kwento mo at niya na nauuwi sa bagong pagasa
Pagasang baka maging totoo nga
Paasa palang magiging kayo na
Yung nasa isip mong hanggang dulo
Magtatapos lang sa hanggang dito
Tapos na ang imahinasyon
Reyalidad pinaalala sayong ikaw ay isa lang opsyon
Tapusin mo na ang kwento nyo dahil nagsisimula na sya sa iba
Ilabas na lang ang emosyon
Pero may dahilan kung bakit hindi ka pinili
Maaring nararamdaman mo o sya ang mali
Tanggap na bang hindi laging numero uno
O baka naman maging imposible sa tamang tao
Wag kang matakot magmahal ulit ikaw na ang pumili ng tama
Magsimula ka ulit ng panibagong kwento
Pero siguraduhin mo sanang kasama mo na sya hanggang dulo
Tulaan sa Buwan ng Wika: Wikang Filipino, hindi pananalitang Makabago
Meron pa sa atin ditong nakakaalala sa mga malalim na pananalita?
Mga salitang halos ipagkait sa atin noon
Isang wikang ipinanlaban at ipinaglaban
Totoo ba yung nabalitaan ko ?
Ikinakahiya mo raw ang wikang Filipino?
Bakit? Dahil ba ang dami nang bagong salitang nauuso
Oo nga pala narito na tayo sa makabagong bansa
Napagiiwanan ang may iisang linggwahe
Meron na kasi ngayong Kung mag-Ingles sobrang konyo
Nagsilabasan na rin yung kala mo’y mga Koryano
Isa pa yung ginagaya na din yung mga kantang pangTsino
Asan na? Asan na ang diwa nang pagkaPilipino?
Bakit parang tila kinalimutan na?
Nasayang ang wikang ipinaglaban
Dito pa talaga sa mismo nating bayan
Pagiging makabayan tunay ngang tinalikuran
Wala eh, ipinagpalit ang mahal kita sa Saranghaeyo
Mas uunlad daw pag maraming alam sa salita?
Mas magiging matalino ang bansa
Nakakalungkot man wala atang magagawa
Ang sigaw ilang Nanatiling makata
Hinaing ng mga makabayang wika’y gustong isalba
Panitikan at Filipino sa Kolehiyo inalis pa
Pano tayo ipagmamalaki?
Pano tayo tutularan?
Makabagong kabataan sa banyaga pwede ng ikumpara
Ano na lang ang sasabihin ng ating Ama ng wikang Pambansa
Nawalang saysay ang syang ipinaglaban nya
Alam kong may matatamaan
Tamaan ka kung tatamaan
Magalit kung gugustuhin
Di naman ikaw ang syang sisihin
Ipinapaalala lang ang wikang syang kinalakihan
Kapwa ko kabataan, itoy iyo munang pakinggan
Oo ngat ang daming bagong salitang naglalabasan
Sarap sumabay sa uso, at tila mabilis pang pagaralan
Mga sikat na sikat na tema at bansag na itinatatak sa isipan
Banyagang wika na iniisa isa pa sa sulatan
Sana kasabay ng paglago mo wag namang kalimutan
Wikang Filipino wag tuluyang talikuran
Ipagmalaki at kung maari sya ring ituro sa susunod pang mga kabataan
Wonders of Love
Pano ko ba sisimulan to? Ako lang ba yung sobrang akward kapag Love na yung topic. I really dont know the reason why, pero parang ang deep kasi ng conversation ng Love and ang Matured talks talaga pag love yung topic. But tulad ng title yes, it is all about that one powerful thing called Love.
Love? Ano nga ba talaga ang love? Isa ba itong bagay? Na pinagaaralan? May magaling, meron namang hindi. Bagay na napagsasawaan? O naluluma?. Pwedi rin naman Love is a feeling? Kusang nararamdaman at kusang nawawala? Natural na nasa tao at hindi napapagaralan. Or its just a Word? Binubuo ng apat na letter sa isang salita. Isang salitang pwedeng magkaroon ng ibat ibang meaning. Ang hirap no? Nakakalito, Nakakakaba, Nakakakilig, nakakatuwa at kung ano ano pang halo halong emosyon ang kusa nating nararamdaman dahil sa Love.
Para sa akin ano nga ba ang Love? Wala, walang tama o maling definition para sa akin ang love. Nakadepende ito sa taong makakaramdam nito. Depende sa experience at kung anong naging effect ng Love sayo. Ganon naman talaga diba? Binibigyan natin ng Kahulugan ang isang bagay base sa kung paano natin ito naranasan at nakita.
Gaano nga ba ka makapangyarihan ang love ?
Marami ang nagsasabing “Hahamakin ko ang lahat masunod ka lamang” o diba dun palang malalaman mo nang tunay talagang powerful ang love. Love daw ang kumocontrol sa ating lahat. Mula sa bawat bagay na ginagawa natin, sa mga taong nakakasama natin, sa mga lugar na pinupuntahan at pupuntahan pa natin. Punong puno ng pagmamahal ang buong mundo na minsan yun din ang nagiging reason ng maramong kasamaan dito. Katulad ng maraming bagay dito sa mundo. Love has also a limitation, may hangganan din ito at dapat alam natin kung hanggang saan lang yon. Hindi pwedeng ibuhos mo lahat ng pagmamahal mo sa isang bagay o tao dapat balance lang nothing less nothing more. Pero gaya nga ng nasabi ko sobrang makapangyarihan ng Love, hindi ito papayag na ikaw ang komontrol sa kanya, Pipilitin nitong sya kocontrol sayo hanggang sa magpadala ka na lang sa agos nito. Hindi mo na lang mamalayan na sobrang inlove ka na pala, Hindi mo namamalayan na halos ibigay mo na pala ang lahat, at yun ang isa sa misteryo ng Love. At oo totoo ring Love is really blind. Unti unti tayo nitong bubulagin sa tamis at saya. Nawawalan ng saysay ang mga mata kapag sobrang in love ka. Yung tipong hindi mo na nakikita yung mga mali sa kanya, wala ng mga flaws at imperfection kasi sa tingin mo lahat maganda. Isa pa sa kapangyarihan ng love is patitigilin nitong magisip ang utak mo. Hahayaan nitong Puso lang ang gumana wag mo lang macontrol. At the end kapag nasaktan ka saka mo lang marereliaze lahat diba? Lahat ng sakit, lahat ng pagkakamali, lahat ng pagbabago, at lahat ng nawala sayo.
Meron bang maling pagmamahal??
Meron nga ba? Hindi ko din alam eh, ang alam ko lang may maling nagmamahal pero hindi ko masasabing mali yung Love. Tao ang nagkakamali at nagiging reason lang naman yung love. Hindi natin makocontrol yung love pero yung sarili natin kaya nating icontrol. Kaya nga nating magmahal ng marami diba? Pero hindi ako naniniwala na you can love the same person na pareho din yung reason mo kung bakit mahal mo yung isa. Walang same level of love para sa akin lang yun(pa sa inyo ba?). Kaya para sa akin hindi mo pwedeng sabihing In love ka sa kanila pareho at walang mas matimbang? Oo pwede naman talaga tayong magmahal ng marami. Pwede talaga kasi may ibat ibang uri naman ng love like sa family, sa friends, sa passion mo. Pero never nagkaroon ng magkaparehong uri ng love. Laging may mas matimbang. At yun ang pagkakamali ng Tao hindi ng love
Napakahirap maintindihan ng language of Love dahil hindi naman ito napapagaralan, hindi ito scripted at wala itong rehearsal. Kusa mo na lang itong mararamdaman at minsan sa pinakahindi mo pa inaasahang tao at lugar. Isa sa pinahindi maiiwasan kapag nagmamahay ay ang masaktan. Walang nagmamahal ang hindi nasasaktan kasama yan sa pagmamahal. Oo masaya, masaya naman talaga pero minsan kahit anong gawin mong paghahanda at pagiingat dadating sa point ng love life na may pagsisishan ka iiyak ka talaga. Dadating sa point na magtatanong ka na lang kung deserve mo ba talagang maramdaman yun. Marerealize mo na lang bigla na nasayang at may sumasayang sa worth mo. Doon mo rin maiisip ang ilang option na dapat mong gawin, mga decision na dapat isaalalang alang tulad ng mga chances na worth it ba para sa taong nakasakit. Or worst mauwi na lang sa giving up at break up ang malalim at masayang pinagsamahan. Memories na ayaw masayang, at unforgetable moment na kakalimutan na lang. Ganon talaga lahat naman ay may positive at negative side and effect. Kaya nga diba dapat first thing na kelangan mong malaman once na tinamaan ka is learn how to love yourself first. Lagi kang magtira ng love para sa sarili mo at know your limitation. Alamin mo kung hanggang saan lang para may matira sayo. Isa pa pagaralan mong tingnan ang lahat ng bagay at pangyayari sa buhay mo sa positibong paraan. Lagi mong isipin na may matutunan ka sa bawat downs at bawat challenges. Okay lang umiyak nomal yan pero matuto ding bumangon at nang sa ganonmas madali kang makabalik sa dating ikaw o makapagsimula sa panibagong ikaw.
Napakasarap magpadala sa agos ng pagibig. Para kang 1st time sasakay ng isang Roller Coaster may halong excitement, saya, kaba and sakit. Nakakahilo, at nakakatakot pero once na nagsimula na itong umandar wala ka nang magagawa kung hindi ang humiyaw na lang, At kumapit sumabay sa hampas ng hangin. Baka tuluyan kan mahulog kaya kumapit ka ng mahigpit at sasabayan mp na lang ang masakit na haplos na hangin. Iiyak ka sa takot o sa saya.
Sarap mainlove no? Lalo na siguro sa tamang tao. Yung tipong di mo pa alam yung mangyayari sa future pero sigurado kana nakasama sya doon. Thats all,hug your loveones after reading this.
Meet me every Friday #3: How was this Day?
Parang ang lungkot lang ng araw nato. I dont know pero ang bigat bigat lang. Nagstart naman ng okay? Wala its really a normal friday pero okay lang, as in sanay na naman ako na normal lang ang araw ko. Walang special na happenings in short walang ganap. Okay nagstart yung araw ko kanina. Maganda yung mood ko, I was planning pa nga to wash a clothes kasi Pupunta ako ng Batangas tomorrow. Kaso di rin natuloy kasi nga may iba pa akong ginawa.
Okay talaga ako, until bigla na lang nagbago yung mood ko(Bipolar). Parang biglang nagsink in sa utak ko na ang dami dami kong wrong decision. Ewan ko ba kung bakit pero Humiga na lang ako ng Maaga. And nagpatuloy yun until now na tinatype ko to and maybe hindi ako patulugin nito. Dala na rin siguro ng sobrang pagiging over thinker ko. Hindi ko maexplain yung feeling kasi nga parang ang bigat bigat nya and ang instant.
Bigla ko na lang naramdamang ang lungkot ng vibe. Tapos biglang pumasok sa mind ko yung achievement nung iba kong friends, na di ko maachieve. Kung tama ba yung mga decisions ko? Is it to late ba para magaral ulit ako? Parang ang immature nung mga decisions ko and ang babaw. Parang biglang gumulo yung normal na araw ko. Nakakaconfuse and ang random nung feeling na kahit ako mismo eh akward. Para kasing bigla na lang akong nawalan ng gana? Sa mga plans ko and sa mga goals.
I started to chat yung mga close friend ko na nakita ko sa active list. Wala lang kinamusta ko lang sila. But i know na ang tunay kong dahilan don ay yung kamustahin din nila ako, and sabihin na may mga tama sa kung nasaan man ako ngayon. Naghahanap ako ng taong makakatanggap ako ng compliment at comfort. Gusto ko lang na may magsabi sakin ngayon na tama ang ginawa, “Okay lang yan”. I want someone na magsasabi sa akin na Ituloy mo yan kasi sobrang nagdadalawang isip na talaga ako ngayon kung dapat ba magaral pa ako or what. May mga nagreply naman pero parang di ako satisfied nakakainis lang na sinira ng isang random feelings or sickness bato yung normal na friday ko. Ang galing lang kasi parang nagkaron ako ng sudden Breakdown and napansin ko agad like parang nakakaamaze na atleast alam ko paring pakalmahin yung sarili ko kesa magisip ako ng magisip.
Honestly wala dapat itong post nato. Wala dapat akong post ngayon kasi parang ang dull lang kung ipopost ko lang yung ordinaryong araw ko. But I think eto na rin kasi yung Immediate na Cure ko sa kung ano man yung naging suddenly sadness ko right now.
I know na ang babaw nito. Yes I admit it ang babaw naman talaga ng problema ko. But as I was saying ito lang yung way ko to explode my feelings. Para hindi sya maipon and mauwi sa mas malalang mental disease. This my comfort routines everytime, sa lahat ng nararamdaman ko.
Salamat sa random feelings nato na blessing in disguise na din para magkaroon ng content ang blog ko for today. Well sa mga nakaexperience ng same thing katulad neto. Normal naman to diba?
Ikaw ano bang kwentong Random mo?
Hindi ka in love, Bored ka lang
Nakaupo sa harap ng malaking bintanang salamin
Isang tasa ng kape ang nakapatong sa tabi
Maulang panahon ang syang pinagmamasdan sa labas
Umiiyak ang langit, malungkot ang makapal na ulap
Mabigat sa pakiramdam ang dilim ng kapaligiran
Nakakalungkot parang gustong tumulo ng mga luha
Walang emosyon ang mukha oo pero ang bigat sa loob
Isang mensaheng galing sayo ang dumating
Kilala mo pa pala ako, akala ko nakalimutan na
“Kumusta? May ginagawa ka ba?”
Sunod sunod ang naging pagtunog ng telepono
Malamang ilang mensahe na naman galing sayo
“Baka pwedeng magkita tayo, kelangan kita ngayon”
Hindi ako sumagot, nagiisip pa ng isasagot
Lagi naman akong sangayon sa mga gusto mo
Di ko alam kung bakit di makatanggi
Kelangan mo ako ngayon?
Pano naman yung panahong kelangan kita noon?
Akala ko masaya pa ako
Ngumingiti oo, pero hindi lahat ng ngiti totoo
Minsan may pait na nakatago sa likod nito
Kelangan mo ako pag wala na sya
Kelangan mo ako pag nababagot ka
Kelangan mo ako pag malungkot ka at naghahanap ng magpapatahan
Kelangan mo ako pag nilalamig at natatakot magisa
Kelangan ako sa bawat gabing maginaw at naghahanap ng init
Kelangan mo lang naman ako pag dehado ka na
Bakit naalala ba pag masaya?
Kailanganin mo naman ako kapag ako naman ang dehado
Hindi bale na, kailan ba ako nanalo?
Pampalipas oras lang naman talaga
Pang aliw kung baga
Sinabi mo nuon na mahal mo ako
Naniwala ako, hindi ako nagdalawang isip
Lagi namang sigurado pag dating sayo
Kailan ba gagamitin ang utak?
Nasusugatan akong nakangiti
Masaya akong masaktan basta’t ikaw ang dahilan
Isang huling mensahe mula sayo ang natanggap
“Okay na pala kami, sa sunod na lang tayo magkita”
Tuluyang pumatak ang luhang kanina lang ay nagbabadya
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan
Tila nakikisabay sa paghihinagpis
Ayos na kayo? Pano naman yung tayo?
Kailan ulit ako? Wala ba talagang kahit konting espasyo para sa akin
Sabi mo mahal mo ako? Mahal mo rin sya?
Napakamapagmahal mo talaga, at ako naman napakatanga
Pano mo nagagawang mamangka sa dalawang ilog?
Ang galing mong magpaikot ng ulo, Gago
Sino kaba? Isa ka lang namang dakilang duwag
Takot magisa, takot maiwanan naming dalawa
Okay na pala kayo, ayos na din ako
Ayos nang wala ka
Di na kailangan pa
Sa sunod na manghingi ng init, susunugin na kita
Natauhan na ako utak naman ang gagamitin
Ulan, kasabay ang kidlat tila nagagalit din
Salamat sa panandaliang saya
Alam kong mapapanatag kung hindi na kasama ka
Salamat na rin at natauhan na
Katulad ng ulan, titigil din ang luha
Pighati ng langit at sakit sa damdamin ay maghihilom na rin
Katulad mo kakayanin naring balewalain
Oo mahirap, matagal na namang naghihirap
Gigising na rin sa isang bagong umaga ng Maayos at muling buo